Jollibee Ads Review: Kulturang Pinoy, Swak sa Pangmasang Pinoy

“Sabi nila kung anong mayroong pelikula tayo ngayon ay siya rin tayo ngayon.” – Patrick F. Campos, UP Film Institute

Makatotohanan, realistiko, at nagpapakita ng usaping kultural sa kung anong mayroon tayong mga Pilipino. Ang bawat segundong umaalpas ay ginto ang katumbas nito sa pagitan ng korporasyon at ng ad agency.

Sa aspekto ng ads maaaring maihambing ito sa pahayag ni Campos. Ang mga ads na pinamudmod ng Jollibee sa mainstream at mundo ng world wide web ay nagging epektibo at nakapukaw ng atensyon sa iba’t ibang panig ng mundo saan man naroroon ang mga Pilipino.

Ilan sa mga nagbigay atensyon at nag-iwan ng kurot sa akin bilang isang ordinaryong manonood ay ang:

“Date”

Makatotohanang binigyang buhay sa pagitan ng mga karakter na gumanap. Ang istorya ay isang tipikal na pag-alala sa araw ng mga puso. Isang pagkakataon upang maparamdam ang labis nitong pagmamahal sa kaniyang ina ngunit sa loob nito ay may mas matinding dahilan upang mag-iwan ng luha sa pisngi hindi dahil sa labis na kasiyahan kung hindi sa kariktan na dulot nito. Isang pagbabagong gumimbal sa baabeng umaasang babalikan pa ng kahapong punong-puno ng saya, mensaheng nagpadala ng sakit, dusa, at pighati bilang isang may bahay na nag-aantay ng isang pagkakataong makasama at mabuo muli ang pamilyang dati’y naging buo ngunit tila ngayon ay isang malaking bangungot na pilit nilang dadalhin habambuhay. Ngunit ang pagsubok na ito ay pagpapatunay ng katibayan ng loob ng isang babaeng kagaya nito. Representasyong nagpapakita ng hamon at pag-asa sa bawat Gabriela ng pamilya.

jollibee-date

Hindi nabago ang ganitong istilo na kesyo binago nito ang mundo ng Philippine Advertisements siguro’y hindi pa kayo, tayo at kung sino-sinong kunwa-kunwariang analyst na naexpose sa mundo ng internet. Tandaan natin habang tayoý nalulunod sa kaliwa’t kanang anomalyang kinasangkutan ng NBN-ZTE Deal ay napukaw naman tayo sa mga pasubali ni Jocelyn “Joc-joc” Bolante sa kaniyang lantarang panggagantso sa Fertilizer Fund Scam at ang hindi malilimutang Jose Velarde Account na nagbigay hatol ng Reclusion Perpetua kalauna’y  inisyuhan ng Executive Clemency na noo’y nagpatalsik sa kaniya sa Palasyo ng Malakanyang sa katauhan ni Gloria Macapagal Arroyo.

This slideshow requires JavaScript.

Mula pa noong kalagitnaan ng 2010 ay hindi na bago ang ganitong uri ng istilo sa katunayan ay ginamit na ang ganitong uri ng konsepto sa mga katauhan nila R.A. Rivera, Ramon Bautista at ilang personalidad na unang pinalabas sa internet.

This slideshow requires JavaScript.

Epektibo at naaangkop na istilo ang ginamit bilang cinematography ng nasabing ad nakapukaw lalo ito ng atensyon dahil sa vintage ang ginamit na anyo.

Sa pagitan ng musical scoring, music background, audio atbp. Ay naging kapaki-pakinabang at umakma sa tema at istilong sinematograpiya na lubhang nakapukaw ng atensyon kasabay ng linyang lumalabas sa mga labi ng mga karakter na gumanap. Patunay na nabigyang buhay sa maiksi ngunit agaw pansing Jollibee ad.

“Crush”

inspiring-heartfelt-kwentong-jollibee-valentine-series-lifestyle-mommy-blogger-philippines-www.artofbeingamom.com-07

Lahat ng bagay ay maaring posible basta’t huwag mo lang susukuan.

Isang linyang nakintal sa aking isipan habang pinanonuod ko ang isang maiksi ngunit halaw sa totoong buhay na lalong binigyang kulay ng Jollibee.

Isang istoryang mula sa isang “post it” na papel na nagpabago sa mundo nilang dalawa. Na sa bawat pagkakataon na nagkakasalubong ang mga ito ay sinasamantala naman ng lalaki ang pagkakataong mag-iwan ng simpleng mensahe kalakip  ang isang burger mula sa isang kilalang fast food chain (Jollibee). Hanggang sa dumaan ang suliranin sa baabeng kaniyang nagugustuhan dahilan upang mapalapit ito sa kaniya. Ngunit kasabay ng lahat ng ito ay ang pagguho na parang isang bombang sumabog sa kaniyang harapan. Hindi nito alam na ang dati’y nakaalitang kasintahan ay muling nagkabalikan.

Makalipas ang maraming taon dumating na ang pinakainaabangan ng lahat ang kanilang Alumni Homecoming sa kanilang kolehiyo. Isang matandang babae ang naghihintay na para bang may taong hinahanap ito hanggang sa dumating ang pagkakataong dumating ang isang matandang lalaking patungo sa kinalalagyan nito. Isang eksenang nagbigay linaw dahil sa mensaheng iniabot nito kalakip ang isang burger.

Maaaring sabihing ang bida sa patalastas na ito ay hindi ang dalawang matandang nakita sa Alumni Homecoming, o ang burger na nakita sa lahat ng eksena sa ad, o ang slogan na “Bida ang saya” kung hindi mismo ang ginamit na “post it” na naging epektibo at nagbigay ng simpleng representasyon sa pagitan ng dalawang karakter upang magkaroon ng kakaibang komunikasyon sa pagitan nilang dalawa.

Isang nakapupukaw pansin ay ang istilong ginamit sa awitin. Madaling naunawaan ito higit lalo sa akin dahil na rin sa lumang awitin na ginamit dahilan upang maitawid ang makabuluhan at lalong nagbigay ng suporta dahil na rin sa costume na ginamit ng mga karakter.

Makalumang istilong ginamit ng ad agency kasabay ng cinematography na ginamit na lalong nagbigay konkreto at kalinawan sa pagpapakita ng flashback.

Lubhang nakaeengganyo ang istilong ginamit ng kumpanya dahilan upang maibigan ng mga masugid nitong kostumer. At upang lalong tangkilin ng lahat.

Isang epektibong paraan din ang na lalong binigyang lawak ang audience nito sa internet. Dahil karamihan ay magdamag nakatutok sa mga social networking sites. Isang mabilisang pagpapalawak ng impormasyon sa pamamagaitan ng pagpapakalat sa world wide web.

Ngunit ang lahat ng ito ay mayroong kapakinabangan sa sariling interes sa pagitan ng nasabing korporasyon at ng kanilang kakumpetensya. Isang paraan upang maungusan ang mga ito ay ang istilong ginamit ng Jollibee makatotohanan at sumasakop sa kulturang Pilipino.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s