EDEKA: REVIEW

 

Kumusta?

Alam kong sa dami ng iyong ginagawa ay wala ka ng oras para kumustahin ako o magkita man lang tayo sa t’wing ang Kapaskuhan o kahit man lang sa mga simpleng okasyon.

Alam ko rin sa mga oras na ‘to kailwa’t kanang mga deadlines ang hinahabol mo para lang makausad ka o di kaya’y maiwasan kang sermonan ng iyong boss sa inyong kumpanya.

Pero huwag mong kalimutan na nandito lang ako upang hintayin ka at paghandaan ka sa oras na ikaw’y bakante na sa mga bagay na lalong nagpapagulo sa’yo.

Napakasalimuot ng ganitong uri ng realidad higit lalo sa kaso ng ating mga mahal na magulang. Isang malungkot na katotohanang bumabalot sa nanay mo, tatay mo at higit sa lahat sa mga magulang na tila kinalimutan na ng pagkakataon.

Napakasalimuot ng ganitong uri ng realidad na sa tuwing naiisip ko ito ang parating biktima nito ay ang mga magulang. Isang katotohanang hindi maiiwasan ng nanay mo, tatay mo at mga magulang hanggang sa oras na ito ay umaasang uuwian moa ng mga ito.

Isang magandang halimbawa nito ay ang patalastas na EDEKA, isang kilalang Supermarket sa Alemanya na naglalaman ng maiksi ngunit mabigat na bitaw sa mga magulang at mga anak.

Dahil sa pangungulila ng ama ay gumawa ito ng bagay na kumuha ng atensyon sa kaniyang mga anak, nagpanggap iotng patay, isang desperadong hakbang upang ang mga ito ay pumunta sa kaniyang burol upang makilamay. Kakat’wang pangyayari ngunit isang dahilan upang ang mga ito ay magsama-sama muli sa iisang bubong ng bahay.

Epektibong pamamaraan ang ginamit at maaaring nagbigay kurot bilang isang manunood. Isang amang nangungulila makasama lamang ang kaniyang mga anak kahit man lang sa maiksi nitong pagsasama ay naibsan ang kalungkutang bumabalot sa madilim na sulok ng kaniyang sinisilungan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s