DILIMAN TEDX: SAAN NA BA TAYO NGAYON?

1448179001_1012829011

 

 

Acquited na ang noo’y pangulong naka-hospital arrest at tila ay muling nasa pulitikal na arena bilang deputy speaker ng Kamara de Representante. Ang noo’y kongresistang tumulong upang ipatigil ang nakahandang bitay sa kababayan nating nasa Malaysia ay ngayo’y Senador na at patuloy na tinatalakan ang pagpapanumbalik ng bitay sa bansa. Ang dating abogado ng mga biktima walong taon makalipas ay isa ng kongresista.

Sa tagal ng pagbasura ng kaso ay tila nauna na ang ama ng itinuturing na mastermind sa itinuturing na malagim na masaker sa kasaysayan ng bansa.

Ang dati’y abogado ng mga akusado na mariing inihayag ang pagiging inosente at biktima ng mga akusado sa pagdawit ay matatawag na pang-aabuso sa kapangyarihan ay ngayo’y presidential legal counsel ng kontrobersyal na pangulo ng republika.

Isang makabuluhan sa nagdaang mga taon.

Isang obrang matatawag sa loob ng halos walong taon.

Ngunit nasaan na ba tayo ngayon.

Tulad ng dati’y balik sa dating nitong anyo.

Insekto sa loob ng kagubatan.

Ang malagim at itinuturing na karumal-dumal sa kasaysayan ng pulitika sa bansa at sa mundo ng pamamahayag ay itinuturing na banta sa mga nagnanais na pasukin ang looban ng itinuturing nitong kagubatan.

Ang kasaysayan ay walang epekto sa ating mga Pilipino kesyo anumang dumating o sumunod na karahasan ay tila umalpas lang ang ilang taon ay tila wala ng pinagkatandaan. DEDMA.

Isang masakit at pagpapatunay lang ng kung anong mayroon tayo ngayon hanggang sa kasalukuyang ating tinatamasa.

“Experience is the best teacher.”

Ngunit anong klaseng basehan ito sa bansang hangad lang ay ang pansariling interes  ng iilan na sa tuwing dumadating ang ganitong uri ng karahasan ay tila uhaw ang mga mamamayang nasa kanayunan at umaasa ng kongkretong pagbabago ay tila ang kongretong pagbabago ay nagmumula lang sa mga taong bahagi ng mga oligarkiyang bahagi ng pulitika.

Ayon sa mga eksperto aabutin ng dalawampung taon hanggang tatlumpung taon upang maresolba ang Maguindanao Massacre siguro’y swerte nalang kung aabutin ito ng labinlimang taon. Ngunit sa kaso n gating Philippine justice system ay tila susukuan mo nalang at mamamatay ka nalang sa kahihintay ng kasagutan at ng mga gunitang bumabagabag sa bawat gabing dumadaan sa iyo tulad ng nangyari kay Andal Ampatuan Sr.

Isang realistikong kaganapan sa tuwing inaalala ko ang bawat taong umaalpas ng walang anumang bunga o pagbabago sa madugong karahasan.

Kagaya ni Patricia Evangelista, isa lamang itong gunita na babaunin ng mga kaanak ng mga biktima at bahagi ng kasaysayan ng ating maramot na hustisya.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s