CAPITAL PUNISHMENT: SIGAW NG MGA DAKILANG MAKABAYAN!

Makabayan ang tawag sa mga kagaya nila Congressman Stonefish, Sharky, at Stingray. Ang mga kagaya nila ay suportado ang anumang hakbangin ng administrasyon para daw ito sa ikauunlad ng makamasang nasyon. Ngunit tila ang mga makabayang ito ay bahagi ng kasalukuyang administrasyong PDP Laban. Pero sa kabilang banda ay matatandaang hindi naman talaga totoong PDP Laban ang partido ng mga ito. Ang mga ito ay nagmula lang sa bakod ng Liberal Party na noo’y si Abnoy AkinNo ang pangulo.

Hindi rin totoong ang mga taga-Libre Party sa panahon ni AkinNo ay nasa puder simula’t sapul. Ang mga ito ay nagsilipatan din lang matapos manalo si AkinNo sa kaniyang kandidatura. Ang mga balimbing na makabayang ito ay dating bahagi ng AngkasNgKampi CMD na noo’y presidente si Madam NeckBrace Arrovo.

Kagaya nila Stonefish, Sharky, at Stingray ay hindi rin totoong nagmula ang mga ito sa AngkasNgKampi CMD dahil nagsipulasan lang naman ang mga ito galing sa Laban ng Makabayang Nagpapayaman sa Imperyalistang Pilipino (LMNIP) na noo’y si Jose Velarde pa ang umuupong pangulo.

Kasinungalingang matatawag ang mga balimbing na kunwa-kunwariang makabayang nagmula sa Laban ng Makabayang Nagpapayaman sa Imperyalistang Pilipino. Ang totoo n’yan ay TangingLakas-NUCD-UMDP sila noong si Tatang Tabako ang pangulo nito lumipat lang sila sa kabilang bakod.

Sabi nila ay TangingLakas-NUCD-UMDP sila noon pa man pero sa mga oras na ito ay hindi na ako magdadalawang isip paniwalaan ang mga ito dahil sa ilalim ng pamunuan ni Monching  sa ilalim ito ng administrasyong AkinNo ng Liberal Party.

Sa kasalukuyan ang liderato ng Kamera de Makabayan Representante ay nasa mabuting mga kamay ng kanilang mga sariling lente ng noon pa ma’y itinuturing na makabayan. Ang dakilang PDP (Palaging Di Patatalo) sa Laban.

Kaya naman para sa ikauunlad ng bayan at ng kanilang mga upuan ay minabuti nilang ayunan ang desisyon ng pinakamamahal nilang lolo na si Baracuda na ibalik ang parusang bitay para sa mga taong lulong na sa droga. Ngunit bago ito maisakatuparan maraming naganap na pagrerebisa sa nasabing butas este batas. Kabilang na dito sa parusang bitay ay ang plunder, rape, treason at marami pang iba na kung iisa-isahin ko pa ay hindi naman na magiging imposibleng mapasama at marebisa.

Siguro’y umatras ang mga kagaya ni Speaker Albatross at tila napatunayang bakla ito kagaya ng sinabi ni Pangulong Baracuda sa noo’y YouIs envoy na si Amb. Gay Berg na umano’y bading hindi sa sarili nitong pangalan kung hindi sa kaniyang katauhan ayon sa magaling na Pangulong Barracuda

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s