Higit…

Isinayaw ni Jeffrey Batlangao patungo sa’yo

Hindi sa pinakaespesyal mong araw ngunit sa mismong araw na tanging ako nalang ang mismong magsasabing isa ka sa pinakakakaibang taong nakilala ko.

Isa ka sa itinuturing kong malapit kong kaibigan.
Ang iyong nakabibinging ingay, halakhak, lungkot, inis, galit, ngiti, utot.
Ay siya ring walang paglagyang kasiyahan sa t’wing naririnig ko ang mga ito ng sabay-sabay.
Siguro kung muli itong mangyayari palagay ko sumabog ka na sa sobrang saya.
Biro lang.

Magmula sa simpleng usapan.
Dumating sa kakaibang tawanan.
Umabot sa suntukan.
Kaliwa’t kanang hampasan.
Sa t’wing iyong nagugustuhan ang makabasag kong biruan.

Hindi mo ito tribute, hindi rin eulogy o mensahe kung kailan ako ay patay na.

Hindi man ako marunong sumayaw.
Ngunit siguro’y patungo na tayo sa lugar na isinasayaw ko ang iyong kasiyahan, tawanan, halakhakan at madalas ay ang nakakawakwak mong lalamunan sa t’wing ikaw’y humahagalpak.
Maswerte ka hindi kita sinisingil.

Hindi inakalang ang mga bagay na tulad nito ay magiging posible.
Isang pagkakataon hindi dahil sa iyo o sa akin kundi sa ating lahat na makilala ang isa’t isa.
Magmula sa sarili nitong anyo hanggang sa malalim nitong pakahulugan ay siyang madarama mo lang ang tunay na kahalagahan ng iyong araw.
Kapiling ang kagaya mo na siyang bumuo sa kung anong mayroon sa amin, sa akin, sa mama mo, sa pamilya mo at higit sa lahat sa iyong sarili.
Kahit na punong-puno tayo ng biruan, halakhakan, hampasan, bigwasan, suntukan, tampuhan ay hindi pa rin mawawala ang baduy na pagmamahalan sa pagitan nating lahat.

Isa ka sa mga taong pinahahalagahan ko higit kaninuman.
Kayamanan na parati kong tinitingnan.
Malingat lang ay kakaibang kaba na ang nadarama.
Kakaiba ka sa kakaiba.
Isa ka sa mga taong nililingon ko sa bawat araw na dumadating.
Hindi man halata ngunit hindi naman talaga halata
Marami pang kulang.
Ngunit nais kong sabihin sa’yo maswerte ako dahil nakilala kita.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s