Asam

Nagkaroon ng kulay ang mundong aking ginagalawan.

Maswerte ako at nakilala kita.
Sa bawat araw na dumarating ikaw ang parating kong nililingon.
Magmula sa pagbati ng “Magandang Umaga” hanggang sa pagsapit ng “Good night
Ikaw lang ang tumatakbo sa isip kong tuliro.

Alam kong ang nilalaman ng iyong puso ay walang iba kundi siya pa rin.
Alam kong wala akong binatbat pagdating sa pisikal na aspekto at sa inyong samahang nabuo.
Alam kong isa lang ako sa iyong mga pampalipas oras sa t’wing ang mga kamay ng orasan ay hindi nagtatagpo.
Alam kong masakit ang dulot nito sa akin.
Ngunit isa lamang ako sa iyong naging biktima ng iyong katalinuhang taglay at kagandahang nakabalot sa iyong katauhan.
Sino ba ‘ko? Para sabihin ang mga bagay na ito?
Isa lamang akong hamak na walang binatbat kaninuman.

Ngunit kung dadating man ang pinaka-imposibleng pagkakataon ituturing ko itong pinakadakilang regalong natanggap ko sa Kaniya.

Sa huli…

Kahit walang katiyakan ang mensaheng ito.
Nais kong sabihin sa iyo na ganap mo nga ‘kong nasalamangka.

Advertisements

One thought on “Asam

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s