Tipikal

Ang pagpihit ng oras ay siya rin  pagpintig ng aking pag-aalala sa tuwing ang bawat segundo, minuto, oras, araw, linggo o ang mas masakit ay ang matagal na panahon bunga ng hindi mo pagtanggap sa aking niloloob.

Nais basagin ang nakabibinging katahimikan.
Ngunit nakabuntot naman ang walang katiyakang sagot.

Minsan’y lalong nagiging determinado,
madalas nagiging kakambal ang takot at kaduwagan.

Ninanais na banggitin ang mga katagang ito.
Ngunit tila anong kaba ang bumabalot sa t’wing dumarating ang punto ng kahinaan sa oras ng pagtatapat.

Kakaiba ka sa kakaiba.
Ibang-iba ka sa t’wing ikaw’y kasama.
Ngunit ang iyong kaibahan sa lahat ay akin namang tipikal na anyo sa tuwing ang ating mga mata’y nagtatama.

Sa di-berbal na talastasan ay anong daldal ang katumbas ng aking isipan.

Pinipilit labanan.
Ninanais na ang takot naman ang umatras.
Ang saya’y ayaw ng mapalitan sa tuwing ang bawat oras ay kakaiba sa tuwing kapiling ka.

Kakaiba ka habang ako naman’y TIPIKAL.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s