Ikaw ngayon…

Ikaw ngayon ang aking kaligayahan.
Sa bawat nakaw na sandali anong saya ang hatid nito sa aking kapritso.
Magmula sa tawanan, iyakan, suntukan, umbagan ay kakambal nito ang kakaibang saamahan.

Ikaw ngayon ang aking sumbungan.
Sa t’wing may mga nais akong pag-usapan nilalakasan na lamang ang mapusyaw nitong anyo makasabay lamang sa bugso.
Berbal man o di berbal.
Kaginhawaan hindi dulot ng aking kasawian ngunit sa hatid kagustuhang nitong makipagtalastasan.

Ikaw ngayon ang aking katampuhan.
Sa mga bagay na di-pagkakaunawaan.
Parang mga batang naghuhumiyaw makakuha lamang ng sapat na atensyon.
Ngunit kalauna’y ang mga ito ay gagawa’t gagawa ng paraan mabuo lamang ang kakat’wang pinagsamahan.
Sa simpleng ‘sorry’ anong  karuwagan ang dulot nito sa ating batang isipan.

Ikaw ngayon ay aking karamdaman.
Hindi sa anumang uri ng karamdaman.
Ngunit maaaring maihambing sa kadramahan.
Ang aking kasawian ay dulot ng iyong kaginhawaan.
Sa bawat pagpihit ng orasan.
Anong pighati aking nadarama kapiling ang iyong kapritso.
Dulot ng iyong kagustuhan hatid naman kasakitan sa aking walang magawa bunga ng iyong nakaraan.

Ikaw ngayon ay aking kasawian.
Sa una’y kadramahan, umabot sa karamdaman tumulay sa kasawian.
Oo. Alam ko ang ating sitwasyon.
Ikaw kapiling ng iyong kapritso.
Habang ang kagaya ko minamasdan ang bawat sandali, naghihintay na baka sakaling may maganap na kakaiba o kakat’wang himala.

Ngunit wala.
Parang siopao, asadong-asado ang palaman.

Ikaw ngayon ang aking kalungkutan at kapighatian.
Minsan iniisip ang mga lumipas na sandali, inaalala ang bawat panahon kapiling ang mga kagaya ko bilang bahagi ng iyong kapritso.
Ngunit bahagi na lamang ito ng iyong lumang nakasanayan.

Ikaw ang naunang kasiyahan.
Ibang klase humataw.
Yaring isipan iyong sinalamangka.
Bitbit ang ating nakaraan, umaasang hindi na natapos ang ganitong uri ng kagalakan.

Ikaw ang kaligayahang walang kapantay.
Nangangarap na sana’y mabigyang kapantay ang importansyang inialay sa yaring wasak at uhaw kahit man lang sa aking kapritso lamang.
Hindi sa iyo, kung hindi sa punto naman kapiling ka.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s