Dunong

Minulat ang dunong pangkaisipan.

Sa nakaraan’y ginawang pundasyon.
Sa kung anong nilalaman ngayon.
Kasabay ng pagkakataon.
Pinanday ang bawat hungkag na isipan.
Na sa tuwina’y nabigyan ng sariling pagtingin.

Kulang ang impormasyon.
Kung ihahambing yaring dunong noon.
Ngunit dahil sa aplikasyon saksi ang iyong dedikasyon tila garantisadong swak ka sa aming puso’t isipan.

Hindi sapat ang mala di-berbal na emosyong aking ipararanas sa loob ng ilang buwan mong walang prenong pagbibigay ng impormasyon.
Ngunit nais kong bigyan ka hindi lang sa ‘di-materyal na perspektiba higit lalo sa pagbibigay dedikasyon sa mga kagaya naming uhaw at gutom sa malalim na pakahulugan ng sarili mong karanasan.

Ibang klaseng tagahubog.
Humulma ng ilang dosenang nagsisiksikan sa apat na sulok ng iyong isipan
Ngunit heto ka’t walang puknat sa amin upang hulmahin ang bawat maliliit na detalye ng aming kakulangan.

Ang iyong komento ang nagbigay kilig higit lalo sa akin upang magsikhay at magtayo ng sarili nitong pundasyon sa pagsulat.
Sa iba’y isa lamang itong komento ngunit isa ako sa mga taong lalong binigyang pagkakataon ang pagsulat.

Nawa’y maraming pang kagaya mo ang aming makasalamuha higit lalo sa mga taong kagaya ko na uhaw at gutom sa dunong.

Pagpasensyahan’t ito lang ang aking kinaya.

Salamat at Padayon!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s