Magmula sa Nagngangalit, Patungo sa Mapanuring Kaisipan

Bago ka maging isang mahusay na manunulat kailangan mo munang mabuhay. – Lourd Ernest Hanapol De Veyra

Isang malalim na pakahulugan sa pagbuo ng konsepto sa pagsulat. Ngunit upang mabuhay at makapagsulat ng naayon sa iyong mga plataporma at agenda kinakailangan mo munang bigyang importansya ang iyong nagngangalit na sikmura.

Sa bawat nuot, lasap, makapigil hiningang paso, nagpupumiglas nito sa kawa, ang kaniyang lutong at hindi maipintang anyo nito sa aking isipan. Ilan lamang ito sa aking ninanamnam sa tuwing nilalantakan ang itinuturing ko ngayong aking pagkatao. Lumpiang toge katambal ang ikalawa sa pinakamalapit sa aking puso. Ang palabok. Una na rito ang aking nanay at ikatlo lang ang aking crush. Punyeta!

Ang naglalawa nitong mantika, mga sangkap upang makabuo ng isang perpekto at tamang-tama sa panlasa kaninuman ay lubhang nakapagbibigay ligaya sa aming nagnanais makaranas ng hindi maipaliwanag na sarap.

Ang bawat lungkot, pighati, kasawian, hagalpak, tawa, harot, tampo, nguya ni Lola, subo, takaw-tingin, tinga ay dala ng salamangka ng lumpiang hinulma ang aking sarili lalo’t higit sa mga bagay na nagbibigay importansya sa lahat ng uri ng manggagawa magmula sa mga may-ari ng mga dambuhalang korporasyon, hanggang sa mapang-abusong imperyalista patungo sa mga simple at mala’survival of the fittest‘ na buhay ng nakararami.

Anong ligaya at sarap ang aking natatamasa sa tuwing aking nalalantakan ang kakaibang lasa ng isa sa itinuturing ko ngayong ikalawang pinto patungo sa kaharian ng Narnia. Anong tulong nito upang lubos kong maunawaan sa tuwing ako’y naglalakad at iniisip ang mga bagay na may kinalaman sa atin at interes ng bawat Juan Dela Cruz. Kahit saang banda’y wala naman talagang kinalaman ang simpleng pagkagat ng isang ordinaryo at napabayaang munggo na ibinalot sa isang hindi naman kagandahang wrapper. Ngunit kung ikaw na nagbabasa nito ginagarantiya ko sa iyo na hindi mo ito mauunawaan ng simple at parehas ng nilalaman ng aking gutom na isipan.

Ayon nga sa manginginom na si Lourd de Veyra, mauunawaan mo lang ang isang bagay kung ganap mo na itong nararanasan. Tanging ang sukatan lang ng pagnamnam ng anumang bagay na magbibigay sa iyo ng walang patumangging kaligayahan ay ang pakiramdam.

Wala sa anumang uri ng putahe o sarap ng anumang pagkain ang makapagbibigay sa atin ng ganap at kongkreto nitong pagbabago sa ating mga sarili. Tanging tayo at tayo pa rin ang gumagawa at humuhulma sa ating pagkatao wala sa anumang kapritso at mas lalong wala sa mga bagay na panandalian lang. Ang ganitong uri ng karanasan ang nakapagbibigay sa atin ng pagkakataong maunawaan sa simple ngunit epektibo ang kahalagahan ng bawat anyo ng putahe.

Ang karapatang maranasan ang mga bagay na maaaring magdulot sa atin ng talino at pang-unawa sa ating paligid at sarili ay isang magandang pangitain at simulain upang simulang bigyang importansya ang mga simpleng bagay na sumasalamin sa ating lahat. Ngunit ang lahat ng ito ay magmumula lamang sa atin higit kaninuman. Wala ito sa kagat ng ating kapritso ngunit kagat ito ng realidad ng ating pagkatao’t buhay bilang isang nasyon. May mga pagkakataong hindi matanaw ang hindi pagkakaunawaan ngunit papasaan ba’t tayo’y makakarating din sa ating destinasyon.

Sa simpleng malasakit sa ating sarili at kapwa ay lubos nating maihahatid ang pagkakaisa ng bawat isa. Magmula kila nanay, tatay, ate, kuya, bunso, ingkong, tito’t tita papunta sa dalawang porsyento ng ating lipunan na binubuo ng mga bilyonaryo hanggang sa mga manggagawang araw’t gabi nakikipagbunuan upang makatakas sa isang bangungot at makaabante sa supisyenteng pagbabago na tanda lamang ng pagnanais na lubayan ang lumang kaugaliang namana magmula sa ating mga nakaraan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s