Para kay Lee

Alaala’y bunga ng kahangalan.
Dulot ng kamangmangan.
Resulta ng kapighatian.
Dala ng kapusukan.

Malayo ang tingin.
Sa kahapong sumipa sa ating kamusmusan.
Punong-puno ng ligaya.
Ngunit sa dulo’y anong sakit ang dala.

Akala ko’y realidad na.
‘Yon pala’y bunga lamang ng imahinasyon.
Kakaibang saya ang hatid nito sa una.
Sa gitna’y hahayaan kang mag-isip ng mga malalalim na bagay.
Sa dulo’y malilito ang yaring isipan.

Hindi alam ang ating pupuntahan.
Parang isang bangin na walang kasiguruhan.
Ang nag-aantay sa atin.

Akala ko’y wala na itong hangganan pa.
Sa bawat umaga’y ikaw’y nakaantabay.
Siguro’y ang lahat ng ito’y bunga lamang ng malikot kong isipan.
Sa paggising ko’y isang uri lamang pala ng kakat’wang pantasya.

Kakaibang bigat ang dulot nito.
Mapapaisip ka na lamang sa realidad na nakapalibot sa iyo.
Ngunit sana’y h’wag na muli itong manyari pa.
Ang sakit na bunga ng aking kamusmusan.
Hiling ko’y sana’y totohanin.
Na sa t’wina’y ating sasalubungin at aabangan ang paglubog ng ating mga lipas
na kahapon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s