Hayok sa Damba ng Kalungkutan’t Gunita

Alaalang binuo ng nakalipas ngayon ating bubuuin.

Ang bawat alaala ay bumabalik.
Ang bawat gunita ay nagmimistulang aking kahinaan.

Iyak, tawa, halakhak, poot, inis, uhaw, bantot, utot ilan lamang ito sa mga gunitang aking naaalala sa tuwing aking nagugunita ang samyo ng kahapon.

Sinong hindi makaaalala sa ating mga naging karanasan sa tuwing ang bawat bango, baho, halimuyak, at kung minsa’y nanapak sa ating mga inosenteng pang-amoy.
Ang mga bagay na talaga namang nag-iiwan ng marka mapa-positibo man ito o sa bandang negatibong aspekto.

Sa bawat kasawian at tagumpay ay may mga pagkakataon tayong maaaring maihalintulad sa katauhan ng amoy.

Ang bawat patak ng ulan ay kadikit na ang alimuom.
Ang bawat pagluha ay katambal ang kaliwanagan.
Ngunit sa aking pansariling interes maraming pumapasok sa aking isipan.
Tuwing bumabagsak ang malakas o mahinang ulan o kung minsa’y ambon hanggat ang presensya ng alimuom ay aking nalalanghap.
Sa hindi maipaliwanag na karanasan ang bawat ulan na aking nakasasalamuha ay anong lungkot aking nadarama. Isang mabigat na pakiramdam na pakiramdam ko’y ako ang sumasalag sa bawat patak ng ulan, parang kalungkutang gusto ko ng matapos na.
Dala siguro ito ng mga alaalang naging saksi ang buhos ng ulan.
Kalimitan puro lungkot ang nararamdaman ko sa tuwing bumubuhos ang ulan.
Ang produkto ng ulan ay bunga ng aking kalungkutan. Alimuom.
Parang isang paulit-ulit na pangyayari ang bumabalik sa aking tinuran sa tuwing humihiyaw ang mga hayok na patak ng ulan.

Tila ninanais ko ng takasan ang dala nitong lungkot ngunit saan ako tutungo kung lahat ng aking nakikita ay napaliligiran ng mga alaalang katambal ang mga ulang nabuo sa mga luhang lipas na alaala.
May mga pagkakataong sinasabayan ko ang patak ng ulan. May mga pagkakataong hinahawi ako ng kahinaan. Tila ang bawat lungkot nito’y parang bombang sumasabog sa tuwing lumalapag ang mga luhang dulot ng kalangitan.
Katambal ang mga awiting poignant lalo ko tuloy naaalala ang bawat hampas, hataw, hambalos, higit, at hagupit ng alaala.

Ang aking alalala ay isang malaking pagbabago sa aking sarili. Magmula sa sarili nitong anyo hanggang sa malalim nitong pakahulugan. Ang bawat alaala, kahinaan man ito o kalakasan ay talaga namang nagbibigay sa atin ng aral sa buhay. May mga pagkakataon na ang bawat alimuom ng aking kahapon ay nakatutulong upang makabangon sa aking hinang-hina’t pagod na emosyon, may ilan din na ang bawat alimuom ay nagbibigay banta at aral sa mga bagay na aking papasukin sa susunod pang mga bagsak ng ulan.

Ang sungit ng panahon ay siya rin sungit ng kahapon kaya naman kailangang ang mga ito ay magamit upang sa dulo’y hindi madehado na naman.
Sa dulo’y masarap balikan dahil maalala natin ang mga nakatutuwang mga bagay na nagbigay tatak sa ating mga musmos na isipan. Ngunit mapapaisip ka na lamang at sasabihing “Ginawa ko ba talaga ito?” sabay pagsambulat ng mga naglalakihang mga tawa ng barkada.

Isa itong aral na para bang kailangang baunin saan man tayo magtungo.

Isang alaalang nagbibigay ngiti sa ating kamusmusan.

Uring kapritso na dapat ay gawing aral.

Gunitang binuo ng nakaraan.

Sa dulo ng mga naghuhumiyaw na patak ng ulan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s